Hi. Ako si Mama.

Hindi ako finance expert. Mama lang ako na napagod nang maging broke.

Thirty-something, may asawa, may baby girl at mga anak na laging gutom, nakatira kasama ang in-laws, at may padala pa buwan-buwan kina Mama at Papa. May trabaho ako, may maliit na raket. Pero tuwing katapusan, iisa ang tanong: saan napunta lahat?

Mama proudly hugging her pink notebook mama-about.jpg
Ang diary ko, ang sistema ko

Bakit "Broke Mama"?

Kasi dalawang klase ng broke ang alam ko. Broke sa pera: sweldo in, sweldo out, walang naiipon. At broke sa loob: pagod, guilty kapag bumibili para sa sarili, at minsan, medyo nagtatampo na rin sa lahat.

Hindi ko 'to sinusulat dahil ayos na ako. Sinusulat ko 'to habang inaayos ko pa lang. Ang diary na 'to ang mga natutunan ko, ang mga mali ko, at ang mga simpleng sistema na talagang gumagana sa totoong buhay ng Pinay mom.

Kaya dito, tatlo ang inaalagaan natin: pera (simpleng sweldo systems), puso (yung bigat sa loob na kasama ng bills), at pahinga (Para kay Mama, kahit konti). At hindi ko 'to ginagawa mag-isa. Lahat ng mamang nagbabasa, nagkukuwento, at nagshe-share ng small wins dito, sila ang Barangay.

Ang mga pangako ko sa'yo

Kuwentuhan, hindi sermon

Iba-iba ang sitwasyon natin. Dito, nagkukuwentuhan tayo bilang magka-Barangay.

Showing the math

Kapag may numbers, sasabihin ko kung saan galing o kung example lang.

Walang hot tips

Walang stocks, crypto, o "₱100K agad!" Budgeting at habits lang ang usapan natin.

Baby steps

One tool, one habit, one payday at a time.

Simulan natin dito

Subukan ang libreng Sweldo Splitter, o kunin ang Sweldo Survival Planner para sa susunod mong payday.